top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Ayuda, tiyaking napupunta sa mga karapat-dapat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 21 minutes ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | August 25, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi maikakaila ang halaga ng ayuda ng gobyerno. Sa mga panahong kapos ang kita at mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin, ang tulong-pinansyal at iba pang programang panlipunan ay nagsisilbing salbabida ng maraming pamilyang Pilipino.


Maging ang mga ulat ng pamahalaan ay nag-uugnay sa mga programang ito sa pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong nabubuhay sa kahirapan.


Ngunit kung limitado ang pondo ng bayan, dapat itong unang mapunta sa mga tunay na nangangailangan. Hindi dapat maging sukatan ang koneksyon, impluwensiya o pulitika sa pagpili ng benepisyaryo. Ang ayuda ay hindi pabuya at lalong hindi instrumento para makakuha ng utang na loob.


Mahalaga ring tandaan na ang tunay na tagumpay ng ayuda ay hindi nasusukat sa dami ng perang naipamahagi. Kung nakatutulong itong maiahon ang mga pamilya sa kahirapan, dapat samahan ito ng trabaho, kabuhayan, edukasyon at iba pang oportunidad upang hindi habambuhay na umasa ang mamamayan sa tulong ng gobyerno.


Kaya dapat mas mahigpit, patas at malinaw ang pamamahagi ng ayuda. Unahin ang pinakamahihirap, alisin ang mga hindi kwalipikado at tiyaking bawat pisong ginagastos ay nakararating sa dapat makinabang. 


Ang ayuda ay pinakamakabuluhan kapag naibibigay sa mas karapat-dapat—at nagiging tulay palabas ng kahirapan, hindi permanenteng sandalan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page