top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ayuda sa PUV drivers, ibibigay na

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2020
1 min read

@Editorial | October 22, 2020



Bagama’t nakabalik na sa pamamasada, hindi maitanggi ng mga drayber at operator na hirap pa rin sila sa sitwasyon.

Gustuhin man nilang magdagdag ng sakay para kumita, alam naman nilang hindi uubra dahil bawal at nauunawaan nilang delikado sa COVID-19.

Bukod sa limitadong bilang ng mga pasahero, dagdag-gastos din umano ang mga inilagay na gamit ng mga jeepney driver para makasunod sa health at safety protocol. Idagdag pa ang renta sa terminal at hulog sa unit.

Kaya ang tulong-pinansiyal sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act, ay inaasahan din ng mga drayber, na ibibigay umano bago matapos ang Oktubre hanggang Disyembre.

Sa totoo lang, kahit gaano kagaling dumiskarte ang mga Pinoy, dumarating din ang pagkakataon na talagang nauubusan ng pagkakataon.


Gustuhin man nilang mag-apply ng ibang traabho, wala namang mapasukan dahil nagsara rin. Plano mang magnegosyo, wala namang makuhanan ng puhunan o sapat na kaalaman.

Bagama’t, saludo naman tayo sa mga sumugal sa pagnenegosyo sa gitna ng pandemya. Kitang-kita sa social media kung paano rumaraket sa pamamagitan ng online selling maitawid lang ang pang-araw-araw na gastusin. Nakakabilib din silang mga kung kailan nawalan ng regular na trabaho ay doon pa umasenso dahil sa negosyo.

Sadyang iba-iba rin kasi ang kakayahan natin at hindi lahat ay nagagawang madali ang mga sitwasyon kaya nga nagpapasalamat tayo sa mga kababayan nating bukas-palad at ganundin sa ating gobyerno na gumagawa rin ng paraan kung paano maihahatid ang ayuda.


Konting tiis pa, tuluyan din tayo makakabangon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page