top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ayuda sa mga tsuper, ‘natrapik’

BULGAR
Apr 6, 2022
1 min read

@Editorial | April 6, 2022


Inanunsiyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pansamantalang itinigil ang pamimigay ng fuel subsidy.


Hinihintay pa umano ang resolusyon ng Comelec sa kanilang aplikasyon para sa exception sa public spending ban kaugnay ng May 9, 2022 national at local elections.


Kasabay nito ang pahayag na hindi dapat ikabahala ng mga tsuper ang nabiting pamamahagi ng fuel subsidy dahil pinag-aaralan na ito ng Comelec.


Sa ngayon ay mahigit na sa 110,000 na PUV drivers ang accredited at nakatanggap na ng subsidiya mula sa gobyerno habang mayroon pang 22,000 na mga taxi at UV express beneficiary ang dumadaan sa validation ng ahensiya.


Kaugnay nito, malayo pa umano sa 100 percent ng mga drivers at operators ang naaayudahan. Ayon sa kanilang hanay, 30 percent pa lang sa kanilang mga miyembro ang nabigyan ng ayuda kasunod ng ilang serye ng dagdag-presyo sa petrolyo.


Kasabay nito, pinuna rin ang mga butas sa pamamahagi ng nasabing subsidy tulad ng pagtanggi umano ng mga dating operator na makipagtulungan sa mga bagong operator. Kung saan, ang mga dating operator pa rin ang nakakatanggap ng ayuda at hindi nila ito ibinibigay sa mga drayber dahil sa ngayon ay wala na silang empleyado. Kaya pakiusap sa mga awtoridad na tutukan din ang isyung ito.


Bagama’t medyo natrapik, umaasa tayo na agad din itong aarangkada ‘pag okay na ang proseso. Kailangan nating sundin ang batas para maiwasan ang anomalya.


Marapat lang din na tiyaking hindi magagamit sa pulitika o kampanya ang nasabing ayuda, bagay na iniiwasan kaya may public spending ban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page