top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ayuda sa mga manggagawang tambay na naman

BULGAR
Aug 3, 2021
1 min read

@Editorial | August 03, 2021


Nais ng pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na humingi ng karagdagan pondo para matulungan ang mga formal at informal na manggagawa sa Metro Manila na apektado ng 14-day strict lockdown mula Agosto 6 hanggang 20.


Nakipag-ugnayan na umano ang DOLE sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Department of Health (DOH).


Kasabay nito ang pahayag na mayroong pa umanong naiwang budget mula sa Department of Budget and Management (DBM).


Ang nasabing dagdag-pondo ay mahalaga, lalo na kapag lumala pa ang epekto ng ipatutupad ng enhanced community quarantine (ECQ) dulot ng COVID-19.


Napag-alamang mayroong P5,000 na one-time cash assistance ang mga formal workers habang ang mga informal workers ay mababayaran ng minimum wage sa paglilinis sa mga paaralan o sa kanilang mga barangay.


Ang anumang ayuda ay malaking bagay talaga para sa mga manggagawa na apektado ng lockdown. Ilang araw na lang, tambay na naman. Hindi naman uubra na rumaket dahil bawal ngang lumabas.


Ang inaasam naman ng mga manggagawa ay sana ito na ang huling ECQ at tuluyan nang magtutuluy-tuloy ang trabaho.


Huwag sanang masayang ang dalawang linggo, sa halip ay ito na ang pagkakataon para makabawi.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page