Ayuda sa drayber, dapat tulong hindi dagdag-pahirap
- BULGAR

- 3 days ago
- 1 min read
by Info @Editorial | March 25, 2026

Dapat sana, ang ayuda para sa mga drayber ay mabilis at walang abala. Pero ang nangyayari, kabaliktaran.
May mga reklamo na pinapapila na nga nang matagal, hinihingan pa ng kung anu-anong requirements—tulad ng precinct number at kung minsan, pati selfie sa jeep.
Para saan ang mga ito? Paano nakakatulong ang selfie para patunayan na drayber ka?
Hindi ba sapat ang lisensya, prangkisa, at rehistro? Habang inaasikaso ng drayber ang mga papeles na ito, nawawalan siya ng pasada at kita.
Ang ayuda ay dapat nagpapagaan ng buhay, hindi nagpapabigat. Kung masyadong kumplikado ang proseso, marami ang hindi na makakakuha—lalo na ang mga kapos sa oras at pera.
Simple lang ang kailangan: gawing diretso, malinaw, at mabilis ang pagbibigay ng tulong. Kung totoong para ito sa tsuper, alisin ang mga hindi kailangang requirements.
Dahil sa huli, ang ayuda na mahirap kunin ay hindi tunay na tulong kundi dagdag-pahirap!


Comments