top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Ayuda para sa mga biktima ng Super Typhoon Karding, madaliin na

  • BULGAR
  • Sep 27, 2022
  • 1 min read

@Editorial | September 27, 2022


Grabe ang pinsalang idinulot ng Super Typhoon Karding.


Wasak ang mga kabahayan at establisimyento, ubos ang kabuhayan. Ang masaklap, may mga buhay pang nawala.


Marami rin ang apektado ng pagguho at pagbaha.


Kaugnay nito, mariin ang panawagan na madaliin ang paghahatid ng tulong lalo na ang tubig at pagkain.


Kailangan ang maagap na pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima.


Hindi lamang gobyerno ang pinakikiusapan na sumaklolo, kundi maging ang mga nasa pribadong sektor na may kakayahang tumulong.


Batid naman natin na talagang may mga limitasyon o kakulangan sa pamahalaan na kailangan talaga ang tulong ng iba, bagay na sana ay maunawaan natin.


Ngayon pa lang, tayo'y nagpapasalamat na sa mga bukas-palad na magbibigay at kakalinga sa ating mga kababayang nangangailangan. Sa mga ganitong sitwasyon, tiyak naman natin na buhay na buhay ang bayanihan at pagmamalasakit sa bawat Pilipino.


Ito ang isa mga katangian na ating maipagmamalaki at ito rin ang nagsisilbing lakas ng sambayanan para mas lalong lumaban at bumangon muli.


Marami na tayong bagyong pinagdaanan at mas pinatatag tayo ng mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page