Ayuda ng gobyerno, malaking bagay para sa mga nawalan ng trabaho
- BULGAR
- Mar 30, 2021
- 1 min read
@Editorial | March 31, 2021
Mula nang magkaroon ng pandemya lalo pang lumobo ang bilang ng mga Pinoy na nawalan ng trabaho.
Ayon sa istatistika, umakyat pa sa 4.2 milyon ang mga nawalan ng hanapbuhay noong Pebrero.
Katumbas ito ng 8.8 percent na jobless na mga adults o may edad sa pagitan ng edad 15 pataas.
Ayon pa sa Philippine Statistics Authority (PSA), na ang sektor na may pinakamalaking pagbaba ng mga nagtatrabaho ay ang mga sumusunod: accommodation and food service activities, administrative and support service activities, construction, mining and quarrying, electricity gas, steam at air-conditioning supply.
Gayunman, sa kabila ng kawalan ng trabaho, lumabas naman ang pagiging madiskarte ng marami sa atin. Kani-kanyang isip ng mga puwedeng pagkakitaan dahil isa sa mga pinatunayan ng pandemya na bawal ang tatamad-tamad, hindi puwedeng umaasa lang sa ayuda.
Pero siyempre, malaking bagay pa rin ang pag-alalay ng gobyerno para madaling maitawid ng mamamayan ang araw na hindi kumakalam ang tiyan.
'Wag mawalan ng pag-asa, laban lang!



Comments