top of page

Ayuda at suporta sa sektor ng agri, tiyakin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | March 21, 2026



Editoryal, Editorial


Habang tumataas ang presyo ng petrolyo, direktang naaapektuhan ang suplay ng produktong agrikultural. 


Tumataas ang gastos sa produksyon at transportasyon, kaya napipilitang magtaas ng presyo sa produkto. Ang resulta, posibleng kakulangan sa merkado.


Hindi ito simpleng isyu ng presyo ng langis. Usapin ito ng pagkain sa hapag ng bawat Pilipino. Kapag bumagal ang produksyon dahil sa mataas na gastos, nababawasan ang suplay at lalong tumataas ang presyo ng mga pangunahing pagkain.


Kaya dapat kumilos agad ang pamahalaan. Kailangan ng fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda, mas maayos na distribusyon, at suporta sa lokal na produksyon. Kung pababayaan, lalala ang krisis sa pagkain.


Sa huli, malinaw ang dapat tutukan: tiyakin ang sapat na suplay ng produktong agrikultural kahit may krisis sa petrolyo. Dahil kapag nagkulang ang pagkain, lahat ay magdurusa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page