top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ayon sa ilang scientist, COVID-19, airborne

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 6, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | July 6, 2020




Daang-daang scientist ang humihiling sa World Health Organization (WHO) na i-revise ang rekomendasyon tungkol sa COVID-19 dahil marami umano itong nakitang ebidensiya na maaaring maimpeksyion ng virus ang mga tao mula sa maliliit na particles na nasa hangin.


Una ng sinabi ng WHO na kumakalat ang virus sa person to person droplets dahil sa pagsasalita, pagbahing at pag-ubo.


Sa isang open letter para sa ahensiya, na plano ring ilabas sa scientific journal sa isang linggo, 239 sscientist sa 32 bansa ang nagsasabing nakakalap sila ng ebidensiya na ang maliliit na airborne.


Mula sa large o small droplets na lumabas sa pagbahing, na sumama sa hangin, maaari ng sumama sa hangin ang virus at ito ang makahahawa sa ibang tao, ayon sa scientist. Ngunit, hindi pa rin kumbinsido ang ahensiya.


Ayon kay Dr. Benedetta Allegranzi, technical lead of infection prevention and control ng WHO, maraming beses na nilang isinaalang-alang ang airborne transmission ngunit, wala pa itong suportadong ebidensiya para mapatunayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page