top of page
Search

Ayon sa Career at Love Calendar… Bebot, next year susuwertehin sa work at lablayp

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | July 29, 2024



Dear Maestro,


Isa akong casual employee at hindi ko alam kung mare-regular ako rito. 

Maestro, may pag-asa ba akong ma-regular dito? Gusto ko na kasi ang environment dito, at isa pa may crush ako na officemate ko rin.


Darating ba ang panahong liligawan niya ako? Mahiyain kasi siya, pero madalas ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin. Kapag ba palaging tinitingnan ng lalaki ang isang babae, ibig sabihin ba nu’n ay may gusto siya sa babae? Hindi ko kasi sure kung ano ang nararamdaman niya sa akin dahil bihira naman kaming magkausap, bagkus ay nagbabatian lang kami tuwing nagkakasalubong kami sa hallway. 


April 5, 2001 ang birthday ko, habang November 25, 2001 naman ang birthday ng lalaking tinutukoy ko.


Umaasa,

Jasmine ng Malhacan, Meycauayan, Bulacan

 


 

Dear Jasmine,


Kung tutuusin, wala ka namang problema kahit sabihin pa nating torpe at mahiyain ang kasalukuyan mong crush, ang magandang balita ay nagsasabing, ang zodiac sign mong Aries at zodiac sign niyang Sagittarius ay tugma o compatible. Ibig sabihin, kapwa kayo nagtataglay ng elementong fire o apoy. 


Ayon sa Western Astrology, hangga’t pareho ng elemento ang dalawang zodiac sign, compatible talaga sila.


Ang mas nakakatuwa pa rito, bukod sa compatible kayo sa zodiac sign, pareho rin kayo ang nagtataglay ng destiny number na 3. Ganito ang pag-compute:4+5+2001=2010/ 20+10=21/ 2+1=3), habang ang sa kanya naman ay ganito kinokompyut: 11+25+2001=2037/ 20+37=57/ 5+7=12/ 1+2=3.


Sa madaling salita, tugma ka sa torpe at tahimik mong crush, kaya kahit na  mahiyain siya at ayaw magsalita, kung saan tila iniisip mo na hindi ka niya kayang kausapin at ligawan, sigurado namang darating ang panahon na kusang kikilos at gagawa ng paraan ang tadhana upang kayo ay maging close. Kapag dumating ang sandaling ‘yun, wala kayong dapat gawin kundi sunggaban ang nasabing pagkakataon upang kayong dalawa ay maging magkaibigan at makabuo ng maligaya at panghabambuhay na relasyon. 

Samantala ang pinakamabuti mong magagawa ngayon ay kausapin mo ang crush mong lalaki. Oo, kausapin mo iyong crush hanggang sa kayo ay maging magkaibigan. Sa bandang huli, magiging close rin kayo hanggang sa kusang mabuo ang isang matimyas at masayang ugnayan.


Hinggil naman sa tanong mo kung mare-regular ka sa kasalukuyan mong trabaho, positibo ang tugon — hangga’t pula, gray, silver o green ang kulay ng logo ng inyong kumpanya, favorable at suwerte sa iyo ang nasabing mga kulay, kaya sa naturang kumpanya ka tiyak na magiging regular at habambuhay na liligaya.


Samantala, ayon sa iyong Career at Love Calendar, sa taong susunod 2025 sa buwan ng Marso hanggang Abril, habang napapalapit ang iyong kaarawan, tiyak ang magaganap sa nasabing panahon sa edad mong 24 pataas, magkasabay na darating sa iyo ang suwerte sa trabaho, at love life. Kung saan, mare-regular ka na sa trabaho, magiging boyfriend mo pa ang mahiyain at torpeng crush mo, hanggang sa tuluyan na kayong makabuo ng isang romantiko,  nakakakilig at panghabambuhay na pagmamahalan. 


Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page