top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ayaw nang maglingkod sa simbahan dahil sa mga mapanghusgang kasamahan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 7, 2021
  • 2 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @Mga kuwento ng buhay at pag-ibig |December 07, 2021



Dear Sister Isabel,


Pangulo ako ng isang grupo sa loob ng simbahan. Sumusobra na ang mga kasamahan ko at masasabi kong umaabuso na sila dahil kahit ginagawa ko ang aking mga tungkulin, mayroon pa rin silang hindi magandang sinasabi laban sa akin, lalo na ‘pag nakatalikod ako.


Kahit pala taong simbahan at paladasal, mas malala pa sila sa hindi nagsisimba at madalang magdasal. Gusto ko nang mag-resign sa hawak kong posisyon at manatili na lamang na pangkaraniwang mananampalataya. Sa palagay ko, mas mainam na ‘yun dahil ligtas sa mga intriga at panghuhusga nang walang batayan mula sa aking mga kasamahan. Tama ba ang iniisip ko?

Nagpapasalamat,


Mary Grace ng Baclaran


Sa iyo, Mary Grace,


Cool ka lang. Maging mahinahon ka at lawakan ang isipan sa paglilingkod mo sa simbahan, gayundin sa mga taong nasa paligid mo, sa loob man o labas ng simbahan.


Ang tao ay sadyang ganyan, mapanghusga nang wala sa lugar.


Naluklok ka sa hawak mong posisyon ngayon, ibig sabihin, kalooban ‘yan ng Diyos o calling mo ‘yan. Tinawag ka ng Diyos upang pamunuan ang iyong grupo, kaya diplomasya ang dapat mong pairalin. Huwag maging mainitin ang ulo, sa halip, maging mahinahon ka sa lahat ng sandali.


Gayundin, ipagdasal mo ang iyong mga kaaway, lalo na ang mga naiinggit sa iyo.


Sa bawat kilos at gagawin mo, hingin mo ang patnubay ng holy spirit at makikita mo na aamo sila sa iyo at lahat ng plano mo ay maisasakatuparan mo nang maayos.


Maging halimbawa ka sa mga kasamahan mo ng pagiging kalmado, madasalin at palaging malumanay sa pagsasalita. Makikita mo, magsasawa rin sila ng panghuhusga sa iyo nang walang basehan. Sasaiyo ang tagumpay at pagpapala ng Diyos na maykapal.


Ituloy mo lang ang paglilingkod nang may buong katapatan sa Panginoon. Kinalulugdan ng Diyos ang sumusunod sa Kanyang utos at naglilingkod nang walang pasubali, inaalay ang kanyang sarili sa kapwa at sa Diyos na maylikha ng lahat ng bagay.


Pagpalain ka nawa ng Maykapal sa iyong mga gawain. Sumaiyo nawa ang mga biyaya ng Dakilang Lumikha ngayon at kailanman.


Sumasaiyo,


Sister Isabel Del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page