top of page
Search
  • BULGAR

Ayaw mag-face mask, pagmumultahin

ni Lolet Abania | September 30, 2020



Pagmumultahin ang sinuman na tumangging magsuot ng face covering kasabay ng pagtaas ng nagpopositibo sa tests sa Coronavirus kung saan umaabot sa 3 porsiyento ang pag-akyat ng kaso nito sa unang pagkakataon nang nakalipas na mga buwan sa New York City, ayon kay Mayor Bill de Blasio.


Una rito, magbibigay muna ang mga opisyal ng libreng face masks sa mahuhuling walang suot nito. Sakaling tumanggi itong kuhanin at isuot, saka itatakda sa kanya ang halaga ng multa sa naging paglabag.


"Our goal, of course, is to give everyone a free face mask," sabi ni De Blasio. "We don't want to fine people, but if we have to, we will."


Ipinaalam na ang bagong panuntunan sa buong siyudad na katulad sa polisiya na ipinatutupad nitong buwan ng Metropolitan Transportation Authority na pinamamahalaan ni New York State Governor Andrew Cuomo.


Ang commuters na hindi magsusuot ng face mask sa pampublikong transportasyon ay pagmumultahin ng $50.


Samantala, sa naitalang datos ng buong lungsod, umaabot ang araw-araw na positive test rate nito sa 3.25 porsiyento na ayon kay De Blasio, maaaring bahagi nito ay iugnay sa siyam na zip codes sa lugar na ikinababahala rin nang labis ng mga city health officials dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, kabilang dito ang komunidad ng ilang magkakasamang Hasidic Jewish.


Dagdag pa rito, aniya, ang pitong-araw na resulta ng COVID-19 positivity average na may 1.38 porsiyento.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page