top of page
Search
  • BULGAR

AWOL na parak, tiklo sa malversation

News @Balitang Probinsiya | June 6, 2024



Cagayan de Oro City — Isang Absent Without Official Leave (AWOL) na pulis ang dinakip ng mga otoridad dahil sa kasong malversation of public property kamakalawa sa Brgy. Macanhan sa lungsod na ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng pulisya.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga otoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa nasabing kaso.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng otoridad.


Nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya ang AWOL na pulis.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page