top of page

Astista at influencers, dapat ikampanya tunay na lingkod-bayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2
  • 1 min read

by Info @Editorial | Feb. 2, 2025



Editorial

Sa panahon ng makabago at mabilis na pag-unlad ng social media, ang mga artista at influencer ay may malaking impluwensya sa opinyon at pananaw ng publiko. 

Ang kanilang boses ay mabilis na makarating sa milyun-milyong tao, kaya’t masasabing malaki ang kanilang responsibilidad. 


Kaya sa mga sitwasyong binibigyan sila ng pagkakataong maging bahagi ng mga kampanya, hindi lamang sa produkto o serbisyo kundi pati na rin sa mga kinatawan sa gobyerno, isang mahalagang paalala ang pagpili ng mga karapat-dapat sa posisyon. Nararapat lamang na tiyakin na ang kandidatong ikakampanya ay tunay na lingkod-bayan.


Dapat na magpakita ng malasakit at huwag gamitin ang platform para sa pansariling kapakinabangan o pagkakitaan. 


Gayundin, dapat isaalang-alang ang mga tagasubaybay — lalo na ang mga kabataan. 

Ang pagpapakita ng tamang values at prinsipyo ay hindi lamang magpapalaganap ng mas positibong mensahe, kundi magbibigay din ng inspirasyon. 


Ang pagpapalaganap ng isang magandang halimbawa ay mas makikinabang ang buong komunidad kaysa sa anumang pansamantalang popularidad. Ang pagiging isang artista o influencer ay hindi lamang isang daan patungo sa kasikatan o kita, kundi isang pagkakataon upang maghatid ng mabuting mensahe. 


Mahalaga ang pagkakaroon ng malasakit at pag-iingat sa pagpili ng mga ikinakampanya, upang matiyak na ito'y magdudulot ng kabutihan sa lipunan. 

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page