Aprub sa Metro Manila... P85 kada araw, dagdag-sahod
- BULGAR

- 7 hours ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | July 1, 2026

Photo: Nagkagirian ang mga raliyista at pulis, ilang sandali nang magsagawa ng kilos-protesta sa EDSA People Power Monument dahil sa kawalan ng permit at nagdulot din ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang surpresang rally sa bahagi ng EDSA kanto ng White Plains Avenue. (Jeff Tumbado)
Mahigit 1.1 milyong minimum wage earners sa Metro Manila ang makatatanggap ng P85 dagdag sa kanilang arawang sahod, matapos ihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pinakamalaking isang beses na wage increase na naaprubahan sa National Capital Region (NCR).
Inanunsyo ni Labor Sec. Francis N. Tolentino ang dagdag-sahod sa ginanap na Pulong Talakayan sa Malabon Central Public Market nitong Lunes.
“Masaya ko pong ibinabahagi ngayong umaga bilang pagsunod din sa tagubilin ng ating mahal na Pangulong Marcos at ng National Wage Board, itinataas po natin ang suweldo ng lahat ng manggagawa dito sa Metro Manila. Itinataas po natin sa isang makasaysayang P85 increase,” ani Tolentino.





Comments