Search
  • BULGAR

App lock sa FB Messenger App, dagdag seguridad sa mga user

ni Thea Janica Teh | July 27, 2020




Gusto mo ninyo ba na mas dagdagan pa ang seguridad ng inyong Facebook Messenger? Good news para sa mga Iphone at Ipad user dahil maaari ng maglagay ng Face ID at Touch ID lock. Paano?

Para ma-apply ang bagong feature na App Lock, i-set up muna ang face ID at fingerprint ID sa inyong device.

Pagkatapos nito, buksana ng latest version ng Messenger app, pindutin ang profile photo na makikita sa kaliwa sa bandang taas. Pindutin ang privacy at saka pindutin ang App lock.

Pindutin ang Require Face ID o Require Touch ID para mabuksan ang on/off button.

Mamili sa dalawa kung ano ang mas gusto para ma-unlock ang app.

Maaari pa ring sumagot sa Messenger messages at calls sa pag-tap lamang sa notification at i-unlock lamang gamit ang Face ID o Touch ID.

Bukod pa rito, lalabas pa rin ang messenger notification sa inyong phone kahit naka-locked. Maaari rin itong i-turn off kung ayaw ninyong lalabas sa inyong notification.

Samantala, ang App lock na ito ay limitado pa lamang sa mga IOS user, wala pang nailalabas na petsa kung kailan magiging available sa Android user.

Ang App Lock na ito ay para maprotektahan at mas bigyan ng privacy ang lahat ng mga user ng Facebook App at Messenger App.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.