Search
  • BULGAR

ANGEL, IPINAGSIGAWAN ANG SUPORTA SA LGBTQIA

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 29, 2020




Nakakahanga ang naging sagot ng magaling na aktres na si Angel Locsin sa isang netizen sa Instagram post niya ng pagsuporta sa LGBTQIA.

Post ni Angel, “In a world with so much hatred, everyone should be allowed to feel safe & loved. #HappyPrideMonth #FreePride20.”


Komento naman ng isang netizen, “Mga Taga-Roma 1:27. Ganoon din ang mga lalaki, ayaw na nilang makipagtalik sa mga babae, at sa kanilang kapwa lalaki sila nahuhumaling. Ginagawa nila ang mga kasuklam-suklam na bagay, kaya’t sila’y paparusahan ng nararapat sa kanilang masasamang gawa. Repent, save the sinners ang stop the wickedness.”


Samantala, hindi pinalagpas ni Angel ang naturang komento at reply ng aktres, “As for my knowledge as a Christian, ang paulit-ulit na binabanggit sa Bible is love one another or love your neighbor. ‘Yan ang tungkulin natin sa Diyos at kapwa na dapat nating sundin at Diyos lang ang makakahusga.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.