top of page

Ang daming baguhang artista… SAM, AMINADONG KINAKABAHAN 'PAG WALANG PROJECT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2024
  • 3 min read

ni Lucille Galon @Special Article | Oct. 29, 2024



Photo: Sam Milby's Instagram


Sa kabila ng pagiging abala ni Sam Milby sa kanyang mga proyekto gaya ng upcoming series niyang Saving Grace (SG), inamin niyang nakakaramdam siya ng konting kaba sa tuwing nagiging malamlam ang kanyang career. 


Nag-reflect si Sam nang ipagdiwang ang kanyang ika-19 na taon sa industriya ng showbiz, isang journey na nagsimula noong 2005 nang sumali siya sa Pinoy Big Brother (PBB). 


“I only came here sa Philippines for vacation… and I’m still here after 19 years,” pagbabahagi niya.


Mula sa simpleng bakasyon hanggang sa isang matagumpay na career, “surreal” para kay Sam ang kanyang “longevity” sa isang industriyang puno ng pagbabago. 


Sa kasalukuyan, bida siya sa SG, isang Filipino adaptation ng Japanese series, at may upcoming movie siya na ipapalabas next year—mga proyektong nagbibigay sa kanya ng “safety net”.


Ikinuwento rin ni Sam ang mga natutunan niya sa loob ng maraming taon, kabilang na ang kanyang pasasalamat na nagsimula siya sa showbiz noong wala pang socmed (social media).


“Nagpapasalamat ako, hindi ako nag-start nu’ng social media. Kasi ‘yung mga kabataan ngayon, they find their identity in social media, the comments… When you’re there, you’re a public figure, parang people wanna bring you down, and you kinda learn to not be affected. 

“I think ‘yung natutunan ko ay 'yung pag-ignore ng negativity, pero mahalin ang craft mo,” ani Sam.


Pagdating sa mga harsh comments, nabanggit ni Sam ang epekto ng tsismis sa showbiz. 


“Maraming bagay na kumakalat na pinaniniwalaan ng tao kahit walang katotohanan. Mahilig tayo sa chismis, eh. ‘Pag lumabas ‘yung totoo, parang hindi na exciting,” aniya, na nagpapahiwatig na ang "sensational stories” ang madalas kumalat kahit walang pruweba.

Sa patuloy na pagpasok ng mga bagong artista, aminado si Sam na natutunan na niyang tanggapin ang mabilis na takbo ng showbiz. 

“It’s a young business, mas lalo dito sa Pilipinas,” sabi niya. 

Sa kabila ng mga alinlangan ni Sam Milby, binigyan siya ng renewed confidence ng kanyang contract renewal sa ABS-CBN. 

“I do have that comfort again, knowing that I’m still being supported… binibigyan nila ako ng projects for the next few years,” dagdag niya.


PBB Gen 11 Big Winner… FYANG SMITH, UMAMING CRUSH NA CRUSH SI KYLE 



Itinaghal na Big Winner sa isang record-breaking episode ng Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 si Fyang Smith. 


Noong 2017, 11 years old lamang si Fyang nang sumubaybay habang kinokoronahan si Maymay Entrata bilang “Big Winner” sa PBB Lucky 7. Ang tagpong iyon ang nag-udyok kay Fyang na tuparin ang sariling pangarap na makapasok sa PBB


Pagkalipas ng pitong taon, siya na mismo ang itinanghal na Big Winner.


“Matagal na akong nanonood and nasubaybayan ko ‘yung season ni Maymay. S’ya ang naging inspiration ko,” ani Fyang.


Ang “Amakabogera Influencer of Mandaluyong” ang nag-top sa PBB Gen 11 matapos makakuha ng 30.66% ng boto mula sa mga manonood, at inabangan ng mahigit 2.2 million viewers ang kanyang crowning moment.


“Kahapon ko nalaman na record breaker ako— parang ‘What? Totoo ba ‘to?’ Sobrang saya talaga,” sey niya na puno ng pasasalamat sa suporta ng mga fans. 


Paglabas mula sa PBB house matapos ang 14 weeks, tuwang-tuwa si Fyang sa mainit na pagtanggap ng crowd. 


“Parang espesyal ako. Nag-effort sila makita ako at sumuporta sa big night, ‘di nag-sink-in sa ‘kin,” pagbabalik-tanaw niya.


Dagdag pa niya, hindi niya inasahan ang paglago ng kanyang mga followers. 

Aniya, “Paglabas ko, si Fyang na ako. Grabe!”


Nagpasalamat din siya kay “Kuya” sa paggabay nito sa journey ng PBB Gen 11 housemates. 


“From being maarte and disrespectful to being mindful and considerate. I’ll forever cherish that,” aniya.


Kasama sa mga goals ni Fyang ngayon ang magtagumpay bilang actress at makatrabaho ang kanyang longtime crush na si Kyle Echarri.


Sabi niya, “Number one si Kyle Echarri. S’ya talaga ang first crush ko. Until now, crush na crush ko.”


Bago sumabak sa showbiz hustle, plano muna ni Fyang Smith na mag-spend ng quality time kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page