Ang dami nang gustong palitan ang local leaders, paano ba tumakbo bilang pulitiko?
- BULGAR

- Aug 25, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 25, 2020

Ilang taon pa ang susunod na eleksiyon, pero parang nag-iisip ka nang palitan ang mga pulitiko sa inyong lugar dahil nitong panahon ng pandemya ay puro palpak! Kung may mga kamag-anak, kaibigan, mahal sa buhay o kahit ikaw na ang nais na humalili sa mga lider ng inyong lipunan,heto ang mga tips kung paano mo mapasisimulan ang plano mo o ng sinuman na tumakbo bilang pulitiko at makapaglingkod ng tapat at malasakit sa taumbayan.
Nakaka-challenge talaga kapag kumandidato sa lokal na pamahalaan o kahit sa komunidad lamang. Ang maging tagumpay sa pulitika ay nangangailangan ng maingat na atensiyon sa detalye, matinding schedule at dapat marami kang tagasuporta.
1. Pumili agad ng lugar na puwede mong paglingkuran. Kung pangarap ang pinakamataas na posisyon o pagiging Pangulo ng Pilipinas, magsimula ka muna sa pinakamababang antas.
2. Tseking mabuti ang kuwalipikasyon na kailangan para sa naturang posisyon.
3. Una na riyan ay dapat rehistrado ka sa lugar na iyan na iyong tinitirhan. Mahalaga rin ang edad, tagal ng paninirahan at kuwalipikasyon sa karanasan.
4. Kumalap ng opinyon ng publiko. Ang halaga ng survey ay upang malaman kung gaano karaming botante ang nakaaalam ng tungkol sa’yo at kung handa nga silang ihalal ka at kung anong isyu ang mas pinakamabuti hinggil sa pagkilala nila sa iyo. Ang resulta ng survey ay makatutulong para sa anumang planong estratehiya sa pangangampanya.
5. Humanap ng magma-manage ng iyong kampanya. Ang taong ito ang makatutulong para makipag-ugnayan sa lahat ng aspeto ng kampanya, mula sa pangangalap ng pondo, hanggang sa pagpapaganda ng karakter mo hanggang sa susuportang mga boluntaryo. Habang mas kilala ka at gumagana ang iyong pagkatao, mas mainam.
6. Pagpasyahan ang isyu na ilalabas hinggil sa iyo para magamit sa kampanya. Ito ay mapagpapasyahan ayon na rin sa kinalabasang survey base sa iyong lakas at pananagutan.
7. Mag-ipon ng pera. Habang makatutulong ang campaign manager at iba pang tauhan, kailangang maglaan ka ng mara,ming panahon na makipag-usap sa mga taong puwedeng makatulong sa iyo sa pinansiyal na paraan.
8. Puwede ka nang mangampanya sa website, youtube, facebook, Instagram o iba pang social media, uso na ngayon iyan. Isama mo na riyan ang biographical information, ang plataporma-de-gobyerno at impormasyon kung ano ang magiging kontribusyon sa bayan at kung ano ang magagawa mo para sa nasasakupan.
9. Mag-file ng certificate of candidacy ayon na rin sa pangalang maaring maisulat ng mga botante sa ballot paper. Sundin ang patakaran ayon sa siyudad at munisipalidad na tatak. May bayad din ang filing fee.
10. Kumuha ng mas marami pang boluntaryo para makatulong nang husto sa kampanya mo. Puwede silang pumoste sa mga election precinct, kakampanya sa social media, magpapadala ng text, mayroon sa website, mamahagi ng paraphernalia at kapag may vaccine na laban sa COVID-19 ay makikipagkamay na uli ang mga iyan para ikampanya ang pangalan mo.
11. Mag-ipon ng campaign items gaya ng banner stickers, posters, lapel buttons, rally signs etc. Magpaimprenta ng sulat para maipadala sa marami.
12. Gumamit ng media ads, pinakabongga sa lahat ay magpa-ads sa BULGAR, ilagay ang pinakamalaki mong larawan at ilahad na roon lahat ang iyong plataporma. Maaari ring sa brochures, magpa-rally at magpa-meeting para makilala ka ng husto sa kuwalipikasyon, paninindigan sa plataporma at integridad. Lahat ng aktibidad na ito ay dapat ginagawa ng campaign manager mo at pinakikilos niya ang mga boluntaryo.
13. Bigyang pansin kung gaano karamihang boto ang makukuha bago sumapit ang araw ng eleksiyon. Iyan na marahil ang bilang ng mga boboto sa’yo.
14. Wala ka ring garantiya sa pulitika. Kahit alam mong hawak mo na nang perpekto ang lahat ng bagay, may tsansa ka pa ring matalo.
15. Laging isaisip na kapag kumakandidato bilang pulitiko, lagi nang personal na buhay o ang siyang sisirain o uungkatin ng iyong kalaban. Kaya dapat tiyaking sapat ang iyong edukasyon at malinis ang iyong personal na buhay.








Comments