top of page

Ang 10 utos upang mas maging mapagmahal na kapatid

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 1, 2020
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 1, 2020


ree


Minsan itinuturing natin na parang wala lang, kasama lang natin sa bahay o kapitbahay lang ang sarili nating kapatid. Paano ba mapapatibay pa ang mapagmahal na relasyon ng iyong kapatid at magtagal nang may tamis ang inyong samahan?


1. Tawagan ang kapatid sa phone kahit na isang beses sa isang linggo. Masarap kung parati kang magtsa-chat sa kanya ng tungkol sa mga joke, picture messages ng pagbati at videos na alam mong ikasisiya niya na higit pa sa pagtawag mo sa phone.

2. Sikaping huwag maging mapanghusga pagdating sa estilo ng kanyang pamumuhay, lesbian man siya, bading, binata, dalaga, may asawa, wala kang dapat pakialam. Hindi mo buhay ang kanyang isinusuong sa ngayon.

3. Tandaan na ang mga simpleng alaala na yan ay may napakagandang hatid sa kanya at siya’y iyong laging naaalala at mahalaga siya sa iyong puso. Ang pagkain ninyo ng ice cream tuwing Linggo ay isang napakagandang paraan upang sumaya ang inyong samahan. Kaya habang magkalapit ang inyong tahanan ay gawin n’yo na ang mga bagay na iyan upang ganap kayong magkasundo at maramdaman ninyong pareho ang pagmamahalan at pagkalinga sa bawat isa.

4. Mainam din na makatanggap siya ng bulaklak kapag nalaman mong may masamang balita siyang natanggap o kaya ay nalulungkot siya. Bagamat wala ka sa kanyang tabi at least naa-appreciate niya iyon at batid niyang napakahalaga niya para sa’yo. Alalahanin mo ang kanyang kaarawan.

Padalhan siya ng cake, gawan siya ng mini party o kaya ay dalhan siya ng favorite food niya. Lahat ng ito ay napakagagandang ideya at hayaan mong maipadama mo sa kanya na mahalaga siya.

5. Ang panahon ng holidays. Sikaping mairaos ninyo ang holidays nang napakasaya. Imbitahin siya sa dinner o kaya tuwing weekend at ipaalam sa kanya na bahagi siya ng pamilya at pagmamahal. Gumawa ng isang bagay na espesyal para sa kanya. Magsabit ng Christmas stockings na nakaukit ang kanyang pangalan o maglagay ng bulaklak sa kanyang silid.

6. Kung may hipag o bayaw ka, huwag mong sasabihin sa iyong kapatid na hindi mo gusto ang kanyang asawa, maaaring magkaroon ng sama ng loob sa’yo ang kapatid mo kung magpapakita ka ng negatibong damdamin sa kanyang asawa.

Tandaan na siya ang asawa na kasama niya ngayon at siya rin ang tao na siyang pinili niya para makasama habambuhay. Sa hirap o ginhawa man. Walang kahit sino na nais mailagay ang sarili sa gitna ng kanyang mga minamahal sa buhay.

7. Sa mga pamangkin. Kung ang kapatid ay may mga anak, tandaan silang mabuti at kilalanin. Bigyan sila ng regalo kung kailangan. Magtanong tungkol sa kanila o kaya ay kumustahin sila. Walang napakasarap sa kalooban ng kanilang magulang kundi ang makumusta o maregaluhan mo man ang iyong mga pamangkin.

Kapag madalas kang hindi nakikita o nangungumusta man lang bilang auntie o uncle, nakalulungkot ito sa kanilang mga magulang. Lalo na kung ikaw ang kanilang ninong o ninang sa binyag.

8. Idispley ang larawan ng iyong mga kapatid sa hanay ng mga larawan ninyo sa loob ng tahanan. At least, pagkabisita nila sa bahay ninyo, makikita nila ang larawan nilang naka-displey sa sala o nasa salamin ng mesa, ramdam nila na mahal mo sila.

9. Sa bridal party. Tiyakin na ang mga kapatid ay imbitado. Kung hinihilingan kang dumalo sa bridal party mainam na umoo at pumunta ka. Inirerekomenda na saan man idaraos ang kasalan, tiyakin na makadadalo ka, gaano man kalayo ito. Higit nilang naalala kung sino ang hindi nakadalo o nakapunta sa kanilang kasalan. Pero bawal pa ang mass gatherings ngayon kaya magpaabot ka na lang muna ng pagbati at regalo.

10. Kung ang pera ang siyang isyu, pag-usapan ito sa kanila. Tiyak na bibili sila ng iyong tiket o magsusuot ng pang-bridesmaid kaysa naman wala siya roon. Habang hindi ka dadalo sa kasalan ay isang malaking senyales na hindi mo sila tunay na minamahal o gusto mo sila.


Tandaan na magsabi ng, “I love you”. Ang tatlong simpleng mga salita na ito ay mahalaga sa kalooban nila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page