top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Anderson, Mitchell, Clarkson, at Lillard, rumagasa sa NBA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2020
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 30, 2020





Kinuha ng bisitang Memphis Grizzlies ang pagkakataon na kulang ang Brooklyn Nets upang makamit ang 116-111 na panalo sa overtime kahapon sa 2020-2021 National Basketball Association (NBA) sa Barclays Center. Ipinasok ni Brandon Clarke ang layup upang maagaw ang lamang, 112-111 na may 38 segundong nalalabi at sinundan ito ng limang free throw ng mga kakampi sa gitna ng sunod-sunod na mintis ng Nets.


Nagpasya si Coach Steve Nash na pahingahin sina Kevin Durant at Kyrie Irving subalit lumaban pa rin ng sabayan ang Nets sa likod nina Caris LeVert at Timothe Luwawu-Cabarrot. Nanguna para sa Grizzlies sina Kyle Anderson na may 28 puntos at 7 rebound at Dillon Brooks na may 24 puntos at 7 rebound upang takpan ang pagkawala ni Ja Morant na naglaro lang ng 12 minuto matapos mapilay.


Gumawa rin ng milagro si Donovan Mitchell at sinalba niya ang Utah Jazz kontra sa Oklahoma City Thunder, 110-109, matapos ipasok ang huling dalawa sa kanyang 20 puntos na may 7 segundo sa orasan. Tumawag ang Thunder ng timeout ngunit hindi naipasok ni Shai Gilgeous-Alexander ang bola sa buzzer.


Nagpasabog ng limang tres si Bojan Bogdanovic para sa 23 puntos at tinulungan siya ni Mike Conley na may 20 puntos. Nagtala ng 16 puntos si Fil-Am Jordan Clarkson bilang reserba.


Sumama ang Atlanta Hawks sa hanay ng mga koponang 3-0 matapos pigilan ang nahuling bulusok ng Detroit Pistons, 128-120. Sinayang ng Hawks ang kanilang 115-91 na lamang subalit uminit muli si Trae Young sa huling tatlong minuto upang magtapos na may 29 puntos at sinundan siya ni Bogdan Bogdanovic na pinasok ang limang tres para sa 17 puntos.


Nakuha ng Denver Nuggets ang unang tagumpay ng taon at pinanatiling walang panalo ang Houston Rockets, 124-111. Seryoso si sentro Nikola Jocic sa kanyang triple double na 19 puntos, habang namuno si Jamal Murray na may 21 puntos at Paul Millsap na may 19 puntos din.


Samantala, binuhusan ng Portland Trailblazers ang defending champion Los Angeles Lakers ng limang tres sa fourth quarter upang manaig, 115-107. Huling nahawakan ng Lakers ang lamang, 99-98, at limang minuto ang nalalabi subalit sinagot ito ng mga tira nina Jusuf Nurkic, Damian Lillard at CJ McCollum upang umabante at hindi na lumingon pa ang mga Blazers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page