Search
  • BULGAR

Anak sinermunan, tatay kinatay

ni Janice Baricuatro | June 24, 2020




Patay ang isang ama matapos na pagsasaksakin ng sariling anak habang nag-iinuman kamakalawa ng gabi sa Cavite City.


Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Jerry Roma Asero, Sr., 46, garbage collector, residente ng Bgy. 48-A, Bagong Pook, San Antonio.


Naaresto naman ang suspek at nahaharap sa kasong Parricide na nakilalang si Jerry Quirimit Asero, Jr., 24, anak ng biktima.


Sa imbestigasyon, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente kung saan kapwa lango na sa alak ang mag-ama nang magkasagutan ang mga ito.


Hindi matanggap ng suspek ang paulit-ulit na panenermon ng ama kaya naburyong ito at dinampot ang patalim sa kanilang harapan saka inundayan ng saksak ang ama .


Naitakbo pa sa Bautista Hospital ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng mga tinamong saksak habang agad din namang naaresto ang suspek.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.