Anak ni Cesar, palaban din… DIEGO, UMAMING GAME SA KAPWA LALAKI
- BULGAR

- Aug 16, 2020
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 16, 2020

Ilang taon ding nawala sa sirkulasyon ang anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga na huling napanood sa Kapamilya seryeng Los Bastardos.
Ngayon, balik-showbiz na ang guwapong aktor at sa virtual presscon courtesy of Viva na bago niyang talent management kung saa'y pumirma siya ng bagong kontrata (after matapos ang kontrata niya sa ABS-CBN), sinabi ni Diego na siya'y handa na muling humarap sa kamera pagkatapos ng halos tatlong taong tinalikuran niya ang showbiz.
“I feel like I have been ready for a while now, kaso nga lang, ang daming setbacks, ang daming nangyari sa mundo, and we were all still in this situation na hindi tayo puwedeng lumabas ng mga bahay natin," panimula niya.
Dahil alaga na siya ng Viva, magiging masigasig na raw si Diego sa mga projects na ibibigay sa kanya.
“Well, definitely more projects because this time around, I really want to focus on the craft. I really want to focus on acting and I want to have a lot of movies under my belt. So, this time around, marami silang mapapanood.”
Handa na rin daw siya sa mga mature roles, kahit pa ang pagpapa-sexy.
“Oo naman. I won’t even call that as mature role kasi kung ano namang kailangan ng movie, kailangan ng script, ready naman po akong gawin,” pahayag ni Diego.
Dahil nauuso ang mga boy love (BL) series o ang "bromance relationships," sinagot ni Diego ang tanong kung kakayanin ba niyang makipagsabayan sa ganitong mga iskrip requiring man-to-man kissing scenes?
“Pinag-usapan namin ito ni Mama (Teresa Lozyaga). Hindi siya naniniwala sa akin na kaya ko itong gawin,” natatawa niyang kuwento.
“Ako naman, meron talaga akong passion sa isang story or kuwento na kapag na-hook ako ru’n, eh, if I see it in the script na I know this is really a good story, maganda 'yung moral lesson, 'yun naman ako, eh.
“I mean, it’s just another role, another character that I’m portraying. It doesn’t reflect naman kung ano 'yung hilig ko sa buhay. I’m just doing my job as an artist, to portray a role of somebody else.
“So, oo naman po, I am willing. Huwag lang siguro na ganu'n kabulgar agad-agad. Maybe we can work towards that, pero comfortable naman po ako,” esplika ng aktor.
Sakaling pasukin na ni Diego ang pagpapa-sexy, makakaagaw niya sa eksena ang co-Viva talent na si Marco Gumabao.
“Kaibigan ko 'yang si Marco, siyempre, hindi ko siya magiging karibal,” ani Diego.
Bilang bagong Viva Artist Agency (VAA) talent, may naka-line-up agad na project ang kumpanya para kay Diego at hawak na raw ng aktor ang script nito.





Comments