top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Anak na may strong number, magbibigay-suwerte sa single mom

BULGAR
Oct 4, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 4, 2022

Dear Maestro,


Nais kong malaman kung ano ang magiging kapalaran namin ng anak ko— magiging maganda ba ang future niya at mapag-aaral ko ba siya? Malaki kasi ang problema ko ngayon dahil naghihirap kami mula nang iniwan ako ng live-in partner ko at sumama sa ibang babae.


Gusto ko ring malaman kung makakapag-asawa pa ba ako? Sa ngayon, hindi naman sa pagmamayabang, pero may mga manliligaw naman ako, kaso wala akong nagustuhan dahil ‘yung dating live-in partner ko pa rin ang tinitibok ng puso ko at natatakot din akong magkamali dahil babae ang anak ko at maliit pa siya.


Kung makakapag-asawa man ako ulit, sino siya at kailan siya darating para hindi na ako magkamali pa? December 7, 1990 ang birthday ko at October 19, 2014 naman ang anak ko.


Umaasa,

Isha ng Salusoy, Meycauayan, Bulacan



Dear Isha,


Ayon sa birthday mong December 7, 1990, ikaw ay may birth date na 7, destiny number na 2, at may zodiac sign na Sagittarius. Naging 2 ang destiny number mo dahil ang birthday mo ay kinokompyut nang ganito: 12+7+1990=2009/ 20+09=29/ 2+9=11/ 1+1=2.

Ang mga numerong nabanggit, gayundin ang zodiac sign mong Sagittarius ay nangangahulugan na hindi puwede na palagi kang nag-iisa sa buhay. Bagkus, kailangang may umaalalay at dumadamay sa iyo, hindi lang para makapag-move on ka sa mapait na kapalaran na iyong sinapit kundi kailangan mo ng kasama upang mas madali mong mapitas ang tagumpay at mas maligayang pamumuhay.


Buti na lang, nagkataon na strong number ang birth date na 19 ng iyong anak, kung saan tunay ngang siya ay magsisilbing alalay at gabay mo habambuhay, na may malaking maitutulong sa iyo upang makamit mo ang pag-unlad at maligayang pamumuhay. ‘Yan ay dahil ang mga strong number tulad ng 19 o 1 (ang 19 ay 1+9=10/ 1+0=1) ay sadyang nagbibigay-kasiyahan at suwerte sa mga taong may weak number na 7 tulad mo.


Gayunman, kung iibig at makikipagrelasyon kang muli, hanapin mo ang mga lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries, Gemini, Leo at kapwa mo Sagittarius, gayundin silang mga isinilang sa buwan ng Mayo, higit lalo kung sila ay nagtataglay ng birth date na 8, 17, 26, 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 9, 18 at 27, at siguraduhing sa susunod na pakikipagrelasyon, habambuhay ka nang magiging maligaya.


Habang, ayon sa iyong Love Calendar, muli kang makakapag-asawa at masusumpungan mo na ang ikalawang lalaki na makakasama mo at magpapaligaya sa iyo habambuhay sa taong 2025 at sa edad mong 34 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page