Alexis Ferrer, nagkampeon sa World Nineball Tour sa Vietnam
- BULGAR

- Jul 8
- 1 min read
ni Eddie M. Paez, Jr. @Sports News | July 9, 2025
Photo: 99 Billiards Club
Inihudyat na ang pagsibol ng isa na namang bituin sa larangan ng bilyar mula sa Pilipinas nang tanghalin si Alexis Ferrer bilang kampeon ng World Nineball Tour: Universal X CPBA 99 Open sa Hanoi, Vietnam.
Hindi kumurap ang dehadong Pinoy sa kanyang pinakamalaking torneo at sa huling salang sa mesa ay dinaig ang mapanganib na si Chang Yu Lung ng Taiwan sa iskor na 13-10.
Isang malupit na 3-9 combo ang naghatid kay "Pugtit" Ferrer sa trono. Hindi basta-basta ang listahan ng mga nagkainteres sa kampeonato pero pawang nabigo na mga bilyarista nang sorpresahin sila ng dehadong kalahok mula sa Paniqui, Tarlac.










Comments