Alert Level 1, maging simula na sana ng pagbawi mula sa pandemya
@Editorial | February 24, 2022
Inirekomenda na ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ilagay sa COVID-19 Alert Level 1 ang buong Metro Manila simula Marso 1, 2022.
Sumang-ayon ang Metro mayors sa naturang rekomendasyon sa bisa ng MMDA Resolution No. 22-06 (series of 2022).
Sa ilalim ng Alert Level 1, pinapayagan ang intrazonal at interzonal travel, na walang pinipiling edad at comorbidities, lahat ng establishments, mga tao o aktibidad ay pinapayagang mag-operate at magtrabaho.
Aalisin ang mga restriksiyon sa pagbibiyahe, ngunit patuloy na ipatutupad ang pagsusuot ng facemask at physical distancing sa ilalim ng Alert Level 1 status.
Papasok na tayo sa tinatawag na ‘new normal’. Pero hindi ito nangangahulugang maging iresponsable at kampante.
‘Yung mga pasaway, tumino na kayo, utang na loob.
Huwag nating sayangin ang pagkakataong maging mas maluwag ang ating pagkilos. Gamitin natin ito para makapaghanapbuhay at makabawi mula sa mga naidulot ng COVID-19 pandemic.



Comments