top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Alamin: Mga Zodiac sign na tugma para sa bebot na bet magka-dyowa

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 27, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | August 27, 2023



Dear Maestro,


Nais kong isangguni sa inyo ang tungkol sa aking lovelife. May natitipuhan akong lalaki ngayon, at kapitbahay ko lang siya.


Dalaga pa rin ako hanggang ngayon, ngunit ang problema nga lang ay may asawa na siya. Sa tingin ko ay may gusto rin siya sa akin dahil madalas ko siyang mahuling nakatingin sa akin.


Maestro, kapag ba sulyap nang sulyap ang isang lalaki sa isang babae, posible bang may gusto rin sila sa isang binibini?


Nais ko rin malaman kung compatible at may chance rin kayang maging bf ko siya?


December 9, 1994 ang birthday ko habang siya naman ay August 10, 1979.

Umaasa,

Alwina ng San Manuel, SJDM, Bulacan

Dear Alwina,

Hindi porke tingin nang tingin sa iyo ang lalaki ay may gusto na siya sa iyo. Sa halip, dapat mong ma-realize na para sa isang lalaki, lalo na’t may asawa na pala siya, may dalawang ibig sabihin ng salitang “gusto”.

Una, ‘yung “gusto” na gusto ka lang niyang makasiping o maging kerida dahil bata ka pa at maganda at ‘yung pangalawa naman ay medyo love o may pagtingin talaga siya sa iyo Gayunman, sa kaso ng lalaking may asawa na, mas malamang na gusto ka lang niyang “matikman” kaya tingin siya nang tingin sa iyo, kaya kapag pinatulan mo siya, posibleng doon na magsimula ang immoral na relasyon. At dahil may asawa na ang nasabing lalaki, mas makabubuting iwasan mo na siya upang hindi ka makasira ng pamilya.


Sa sandaling ginawa mo ito, kahit sabihin pang magka-compatible kayo, masasabing nakagawa ka ng napakalaking kabutihan, hindi lamang sa iyong sarili kundi pati sa pamilya ng pinagnanasahan mong lalaki.

Samantala, kapag tuluyan mo siyang naiwasan, isabay mo na rin ang paghahanap ng boyfriend o pag-entertain sa mga manliligaw na ka-compatible mo kung saan silang isinilang sa zodiac sign na Aries, Leo, Gemini at kapwa mo Sagittarius, higit lalo silang may birth date na 3, 12, 21, 30, 6, 15 at 24.

Sa piling ng ganyang mga klaseng lalaki na binata o walang sabit, may pangako ng maligaya at panghabambuhay na relasyon na ayon sa iyong Love Calendar ay nakatakdang mangyari sa 2024, sa buwan ng Abril o Agosto, sa edad mong 30 pataas.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page