top of page

Alamin: Mga tips kung paano gaganda ang takbo ng kapalaran gamit ang lagda

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 16, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | May 16, 2023




KATANUNGAN


  1. Magpi-pitong taon na akong hiwalay sa aking kinakasama, at may isa kaming anak. Habang hiwalay kami, may naging boyfriend ako pero ‘di naman nagtatagal kaya wala ring nangyayari.

  2. Ngunit sa edad kong 32, gusto ko nang mag-asawa at magkaroon ng simple at masayang pamilya. Maestro, possible pa bang matupad ang simpleng pangarap ko na muling makapag-asawa at magkaroon ng simple at masayang pamilya?


KASAGUTAN


  1. Tugma sa ibig mong mangyari ang nais ipahiwatig ng ikalawang mas malinaw at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na sa ikalawang pag-aasawa na darating sa iyong buhay at dahil higit na malinaw at makapal ang pangalawang Marriage Line (arrow b.) kung ikukumpara sa naunang Marriage Line (1-M arrow a.), sa ikalawang pakikipagrelasyon, mas magiging maligaya ka at posibleng maging panghabambuhay na.

  2. Ang problema, magulo at nababoy ang iyong lagda, at kung hindi mo ‘yan babaguhin, posibleng kahit na makapag-asawa kang muli, magiging magulo rin ang ikalawang relasyon dahil magulo ang unconscious mong pagkatao na nagre-reflect sa iyong pirma.

  3. Ang pinakamabuti mong magagawa ay baguhin ang iyong pirma. Kapag napaganda mo na ang iyong pirma, maaari ka nang maghanap ng bagong boyfriend o asawa na isinilang sa zodiac sign na Taurus o Scorpio. Sa ganyang paraan at sa piling ng ikalawang lalaking nagtataglay ng nabanggit na zodiac sign, habambuhay ka nang liligaya.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Ganito mo babaguhin ang iyong lagda: ‘Wag mong ibalikwas pakaliwa ang dulong bahagi ng letrang “y”. Sa halip, tuluy-tuloy mo lang isulat ang iyong pirma sa direksyong kanan na walang bumabalik na guhit sa kaliwa, lalo na ‘yung buntot o dulo ng letrang “y”.

  2. Sa ganyang pirma, Ayie, puro papunta sa direksyong kanan ang stroke, magkakaroon ng bagong simula at bagong pag-asa ang iyong karanasan, patungo sa ikalawang mas maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa. Ito ay nakatakdang mangyari sa taong 2025, sa buwan ng Setyembre hanggang Oktubre at sa edad mong 34 pataas.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page