Alamin: Mga senyales na makakatuluyan ang dyowa
- BULGAR
- Oct 23, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | October 23, 2023
Dear Maestro,
Compatible ba ang Aquarius at Leo? Ang dami ko na naging karelasyon pero lagi akong nabibigo.
May boyfriend ako ngayon, nakilala ko siya sa social media at dalawang beses na kaming nagkikita. Okey naman siya at pinakilala niya na rin ako sa mga magulang at kapatid niya.
Almost 5 years na rin silang hiwalay ng asawa niya.
Maestro, kami na kaya ang magsasama habambuhay? Ang birthday ko ay February 12, 1993 habang August 4, 1990 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Ashly ng Buliran, Cabanatuan City, Nueva Ecija
Dear Ashly,
Ayon sa Oriental Astrology, tunay ngang ka-compatible mo ang isang Leo dahil siya ang tinatawag na “opposite attracts” mo, kung saan ang Aquarius ay isang air type sign habang ang Leo naman ay isang fire type sign. Ang hangin o air sa aktuwal na senaryo ang siyang nagpapalakas ng siklab at alab ng mahinang apoy, kaya naman complementary compatible ang inyong ugnayan at pagmamahalan.
Dagdag pa rito, ang birth date niyang 4 ay siya rin namang numero ng zodiac sign mong Aquarius dahil ito ay under sa planetang Uranus at may katumbas na numerong 4.
Kaya sa pisikal na deskripsiyon at mga gawain, kung may pagka-weird siya at unique o kakaiba ang kanyang trabaho, ang nature ng kanyang propesyon o ang mismong background ng kanyang pamilya, 'yun ay malinaw na palatandaan na siya ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran.
Sapagkat, nakahiwalay mo ang mga normal o pangkaraniwang lalaki, dahil hindi sila ang nakatakda para sa iyo, bagkus ang nakatakda sa iyo ay tulad ng naipaliwanag na, basta’t may kakaiba sa kanyang pagkatao, propesyon at sa background ng kanyang pamilya.
Samantala, ayon sa iyong Love Calendar, umikot man nang umikot sa kabiguan at paghihiwalay ang iyong karanasan sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, sa bandang huli, sa panahong itinakda ng Dakilang Katalagahan, mapapanatag din ang lahat — makakasumpong ka rin ng tunay at masayang pakikipagrelasyon, na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2024, sa edad mong 31 pataas.




Comments