Alamin: Mga numerong magpapatama sa mag-amang gustong maka-jackpot
- BULGAR
- Nov 20, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | November 20, 2023
Dear Maestro,
Ako ay masugid na tagasubaybay ng kolum n’yo. Gusto ko sanang malaman ang masuwerteng numero ko sa lotto. Gusto kong tumama ng jackpot dahil gusto kong tulungan ang anak ko na magkaroon ng puhunan para sa kanyang massage clinic.
Ang anak ko ay isang bulag at ang kanyang hanapbuhay ay paghihilot. May dalawang anak na siyang pinag-aaral. Samantala, may isa rin akong anak na madalas tumaya sa lotto. Ang birthday niya ay October 17, 1979 habang January 25, 1953 naman ang birthday ko.
Umaasa,
F.G.C ng Makati City
Dear F.G.C,
Ang birthday na October 17, 1979 ng anak mo na mahilig ding tumaya sa lotto ay isang tipikal na Libra. Kung saan, ang Libra ay may ruling planet na Venus at ang number ni Venus ay 6, 15, 24, 33, at 42. Habang ang birth date na 17 at ganundin ang destiny number na kumakatawan din sa numerong 8 dahil ang 17 ay 1+7=8. Ganito naman kinokompyut ang destiny number niyang 8.
Ang October ay 10+17+1979=2006/ 20+06=26/ 2+6=8, kaya bukod sa 8, kaakibat din nito ang numerong 35 at 44. Ibig sabihin, suwerte ang anak mo sa lahat ng numerong may sumatotal na 6 at 8, tulad ng 6, 15, 24, 33, 42, 8, 17, 26, 35, 44 at iba pang kauri nito.
Kung tataya kayo sa lotto at iba pang number games, puwede n’yong subukan ang kumbinasyong 6, 17, 26, 33, 42, 44 ganundin ang kumbinasyon ng numerong 8, 15, 24, 33, 35 at 42.
Habang tungkol naman sa birth date mong January 25, 1953, ikaw ay isang tipikal na Aquarius.
Ang Aquarius ay may ruling planet na Uranus at ang numerong kaakibat ng Uranus ay 4, 13, 22, 31, 40 at 49 habang ang birth date mong 25 ay 7, dahil ang 25 ay 2+5=7, kaya mapalad ka rin sa lahat ng numero na may sumatotal na 7, tulad ng 16, 25, 34, 43 at iba pang kauri nito.
Samantala, ikaw din ay nagtataglay ng destiny number na 8, nangyaring 8 ang destiny number mo, dahil ganito naman kinokompyut ang birthday mo, 1+25+1953=1979/ 19+79=98/ 9+8=17/ 1+7-8.
Kaya mapalad ka rin sa lahat ng numero na may sumatotal na 8, tulad ng 17, 26, 35, 44 at iba pang kauri nito. Puwedeng-puwede mong subukan ang anumang uri ng number games na may numerong 7, 17, 22, 34, 35, 44 at ganundin ang kumbinasyon ng mga numerong 4, 13, 16, 26, 34, 43.
Maaari mo ring tatayaan ang mga birth date at edad ng mga anak mo, misis mo at ang sarili mong birth date na 25. Mapalad ka naman tuwing sasapit ang petsang 1, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 7, 16 at 25, higit lalo sa buwan ng Disyembre, Enero, at Pebrero, ganundin sa buwan ng Setyembre at Oktubre, higit lalo sa taong 2023 hanggang sa taong 2024 sa edad mong 71 pataas.
Comments