top of page

Alamin: Iba’t ibang sanhi at solusyon sa burnout

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 23, 2023
  • 2 min read

ni Mabel G. Vieron - OJT @Life & Style | April 23, 2023



ree


Sawa ka na ba sa iyong ginagawa o ‘di maiwasang isipin na sana ay bumilis ang takbo ng oras upang ikaw ay makauwi na mula sa trabaho? Minsan ba ay sumagi sa isip mong gusto mo nang magpahinga o magbakasyon na lang? Kadalasang naririnig natin na tanong ay, ano ba ang burnout?


Ang pagka-burnout sa trabaho ay ‘di lang basta pagkapagod, gayundin, ‘di ito ordinaryong stress na dulot ng pang-araw-araw na trabaho. Ang mga dumaranas nito ay nawawalan ng ganang magtrabaho at hindi na gaanong produktibo. Ang burnout ay konektado rin sa maraming emosyonal at pisikal na problema.


Ano nga ba ang kadalasang dahilan ng burnout? Narito ang tinuturong dahilan ng ibang tao:

  1. Work-related na mga kadahilanan;

· Mataas na demand sa trabaho

· Pagtatrabaho sa isang magulo o may mataas na pressure na paligid

2. Mga kadalasang dahilan dulot ng lifestyle;

· Kakulangan ng oras sa pagri-relax at pakikisalamuha sa kapwa

· Napakaraming responsibilidad na ‘di nakatatanggap ng sapat na tulong mula sa mga malalapit na kaibigan at mga mahal sa buhay

3. Mga pag-uugaling nagdudulot ng madaliang pagka-burnout

· Pagiging perfectionist

· Pagiging pessimistic

· Pagiging controlling.

Puwede ring ang katawan mismo ang maging dahilan ng burnout. Sa kagustuhang umasenso at lumaki ang kita, ang ilan ay tanggap nang tanggap ng trabaho hanggang sa matambakan nito at mauwi sa burnout.


Ang mga sumusunod ay warning signs na maaring may burnout ang isang tao:

1. Mga pisikal na senyales

· Pakiramdam na laging magkakasakit at laging pagod

· Madalas na pagkakaroon ng sakit ng ulo, sakit sa likuran at kasu-kasuan

2. Mga emosyonal na senyales

· Pakiramdam na walang magawa, talunan, at nag-iisa sa mundo

· Pagbaba ng satisfaction at sense of accomplishment

3. Mga sensyales sa pag-uugali

· Tumatakas sa mga responsibilidad, at pag-iwas sa ibang tao.

· Binubuntong ang frustration sa ibang tao


Atin nang nabanggit kung ano ang ibig sabihin ng burnout, kadalasang dahilan, at sintomas nito. Samantala, narito naman ang ilang tips kung paano nga ba ito maiiwasan:


Ang pagkakaroon ng “me” time, ay makakatulong sa atin upang maibsan ang stress o problemang ating kinakaharap. Kung maaari ay magpasa ng temporary leave of absence at gamitin ito upang makapagbakasyon. Mag-recharge, huminga, mag-isip-isip at mag-enjoy din!


Lingid sa ating kaalaman, ang taong kulang sa tulog ay madalas na iritable, mainitin ang ulo, at minsan ay wala na rin sa pokus. Mahalaga ang pagtulog upang makapagpahinga ang ating utak.


Gayundin, inirerekomenda ang 30-minutong ehersisyo sa isang araw. Maglaan ng panahon upang ma-achieve ang sapat sa pahinga at paglilibang. At magkaroon ng interes sa ibang mga bagay at makisalamuha sa iba, bukod sa mga katrabaho.


Pagbati! Dahil isa ka sa mga ‘di humihinto para makamit mo ang iyong pangarap.


Kaya mga ka-BULGAR, ‘wag kalimutang ngumiti at magpasalamat.


Okie?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page