Aktres, nag-solo, flop... MOVIE NG JOSHLIA, P104 M NA
- BULGAR
- Aug 18, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @Entertainment | August 18, 2024

Tila maraming nasabik sa balik-tambalan sa pelikula nina Julia Barretto at Joshua Garcia dahil kasalukuyang bumebenta sa takilya ang kanilang pelikulang Un/Happy For You.
Kung 'yung mga nakaraang pelikula ni Julia tulad ng Expensive Candy na iba ang leading man nito ay sinasabing flop, ang comeback movie ng JoshLia ay nakapagtala na diumano ng P104 M sa ika-apat na araw pa lang nito.
Ibinida nga ni Julia sa kanyang Instagram story ang clip ng mga fans na umuuwing luhaan at humahagulgol na dalang-dala sa mga eksena sa pelikula.
Kahit ang dating bise-presidente na si Leni Robredo, hindi pinalampas ang pagkakataong panooring at suportahan ang 'JoshLia' kasama ang mga anak na sina Jillian at Aika.
Maraming netizens din sa mga social media platforms ang nagpahatid ng kanilang pagka-miss sa tambalan ng dalawa.








Comments