Aktibidad sa pagdiriwang ng anibersaryo ng CPP-NPA, binabantayan — PRO-13
- BULGAR

- 51 minutes ago
- 1 min read
ni Info @News | December 26, 2025

Photo: File / Circulated / FB
Patuloy na nakaantabay ang Police Regional Office 13 (PRO-13) sa mga posibleng aktibidad ng Communist Party of the Philippines - New People’s Army (CPP-NPA) sa ika-57 anibersaryo ng grupo ngayong araw, Disyembre 26.
Ayon kay PRO-13 Chief Public Information Officer P/Major Jennifer Ometer, nagpatupad sila ng ilang mga hakbang sa kabila ng pagiging kaunti na lamang ng mga mandirigma ng naturang grupo kasunod ng pagsuko ng ilan nitong mga miyembro at pagkamatay sa mga engkuwentro.
Dagdag pa niya, kahit maliit na lamang ang puwersa ng CPP-NPA ay hindi pa rin maaaring maging kampante upang masiguro na hindi na sila makapanggulo sa mga mamamayan sa kabundukan.








Comments