Aksyon ang kailangan vs. korup
- BULGAR

- 10 hours ago
- 1 min read
by Info @Editorial | December 1, 2025

Sa gitna ng imbestigasyon at mga kilos-protesta, nangako naman ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na papanagutin at mabubulok sa kulungan ang mga kurakot na opisyal at kanilang kasabwat sa maanomalyang flood control projects.
Iginiit na hindi mag-aatubili ang kasalukuyang administrasyon na patawan ng parusa at ikulong ang mga opisyal na mapatutunayang guilty sa korupsiyon.
Dapat lang naman dahil karapatan ng taumbayan na magkaroon ng isang gobyerno na poprotekta sa kanilang pinaghirapang pera.
Gayunman, hangga’t salita lamang ang naririnig at walang nakikitang malinaw na resulta, mananatiling duda ang mga tao sa paninindigan ng gobyerno.
Dapat patunayan na kapag sinabing “mabubulok sa kulungan ang mga kurakot”, hindi ito pangakong pampulitika — kundi babala na may bigat, may ngipin, at may katarungan.





Comments