top of page

Aksidente sa kalsada, paulit-ulit na trahedya ng kawalang-disiplina

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | February 6, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi na bago ang balita tungkol sa sunud-sunod na aksidente sa kalsada. Ang bago ay ang tila pagtanggap natin dito na parang normal na lang. Hindi ito malas. Hindi ito kapalaran. Ito ay resulta ng kapabayaan.


Maraming drayber ang walang disiplina—nagmamadali, nag-o–overspeed, nagse-cellphone, o nagmamaneho kahit pagod o lasing. 


May mga sasakyang hindi dapat nasa kalsada pero pinapayagan pa ring bumiyahe. 

May mga batas na malinaw, pero mahina o pili lang ang pagpapatupad. Kapag may namatay, saka lang kikilos. Paglipas ng ilang araw, balik sa dati.


May pananagutan ang lahat. Drayber na pasaway, operator na inuuna ang kita kaysa kaligtasan, at pamahalaang hindi consistent sa pagpapatupad ng batas. Kung walang mahigpit na parusa, uulit at uulit ang trahedya.


Hindi sapat ang pakikiramay at press release. Ang kailangan ay aksyon: bawian ng lisensya ang mga paulit-ulit na lumalabag, ipatigil ang mga bulok na sasakyan, at gawing seryoso ang road safety—araw-araw, hindi lang kapag may namatay.


Ang kalsada ay para sa buhay, hindi para sa kamatayan. Hangga’t may nagpapatuloy na kapabayaan, magpapatuloy din ang aksidente. Kung ayaw nating madagdagan ang mga biktima, malinaw ang solusyon: sumunod sa batas at managot ang mga lumalabag. Walang ibang dapat sisihin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page