top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ahas, may kaugnayan sa sexual desire at kaaway

BULGAR
May 8, 2022
2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 8, 2022


Analisahin natin ang panaginip ni Hinata ng Marikina City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naglalakad ako sa pataas na kalasada, tapos naghahanap ako ng CR. Maraming bahay sa paligid, pero lumiko ako sa kaliwa, tapos nagpaalam ako sa may-ari ng bahay kung puwedeng makiihi sa kanila at pumayag naman siya.


Sa bakuran nila, may dalawang hawla na yari sa kawayan. Sinilip ko ‘yung isang hawla, may nakakulong na hayop, gray ang balat at pula ang mga mata, pero nakalimutan ko na kung ano’ng hayop ‘yun. Sunod kong sinilip ‘yung katabing hawla na medyo malaki, ahas na dark gray ‘yung nakakulong. Nagulat ako dahil pula ‘yung mata nito, tapos masama ang tingin sa ‘kin.


Nu’ng nakaraan naman, nanaginip din ako ng ahas sa loob ng bahay namin, natakot ako at tumakbo para magtago sa bahay ng best friend ko. Nawi-weirdo-han na ako sa pagnaginip kong puro ahas, ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Hinata


Sa iyo, Hinata,


Isa-isahin natin ang panaginip mo. Ang ibig sabihin ng una mong panaginip na naglalakad ka sa pataas na kalsada ay tagumpay sa negosyo, paglago ng kabuhayan at kasaganaan sa kasalukuyan mong pamumuhay.


Ang maraming bahay kung saan lumiko ka sa kaliwa at naki-CR ay nangangahulugan na maaaring mauwi sa kasalan ang love life mo sa kasalukuyan. Mayaman ang mapapangasawa mo at handa siyang magpakasal sa iyo.


Gayunman, ang sabi mo ay may dalawang hawla na yari sa kawayan at ‘yung isa ay may nakakulong na hayop, kulay gray ang balat at pula ang mga mata. Ang ibig sabihin ng gray ay negosyo at paglalakbay. May posibilidad na mangibang-bansa ka at makipag-deal sa negosyo mo. Ang pula naman ay “love” ang ibig sabihin o affair of the heart. Maaaring ma-in love ka sa ka-deal mo sa negosyo.


‘Yung katabing hawla na may ahas na nakakulong na kulay dark gray at pula rin ang mga mata at masama tingin sa iyo, ito ay nagpapahiwatig na may karibal ka sa puso ng ka-deal mo at pati sa negosyo ay may kakumpitensiya ka rin.


Magiging maganda sa simula ang relasyon n’yo ng ka-deal mo, pero sa huli ay mauuwi sa away o hindi pagkakasundo. ‘Yan ang ipinahihiwatig ng masama ang tingin sa iyo nu’ng ahas. Samantala, ang sabi mo, last week ay ahas din ang napanaginipan mo. Kung palagi kang nananaginip ng ahas, may kaugnayan ito sa sex drive o sexual desire mo, gayundin, ang mga karibal o kaaway. May lihim kang kaaway na gusto kang pabagsakin, pero hindi siya magtatagumpay dahil tutulungan ka ng best friend mo.


Mabuti na lang, sa panaginip mo ay hindi ka tinuklaw ng ahas dahil kung nagkataon na natuklaw ka nito at hindi ka nakatakbo sa bahay ng best friend mo, ang ibig sabihin niyan ay mauuwi sa gulo ang buhay mo. Daranas ka ng mga kaguluhan at mahihirapan kang umiwas dito.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page