top of page
Search
  • BULGAR

Ahas, may kaugnayan sa sexual desire

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 14, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rod ng Batangas.


Dear Maestra,


Gustong-gusto ko ang kolum n’yo dahil nasisiyahan akong basahin ang kahulugan ng mga panaginip na ipinadadala sa inyo. Gusto kong ipaanalisa ang panaginip ko na nag-swimming kaming mag-anak sa isang beach dito sa Batangas.


Ang ganda-ganda ng beach dahil napakalinaw ng tubig, tapos sinubukan kong umikot-ikot sa paligid ng beach. Sa unahan lang pala maganda dahil sa ibang parte ay marumi ang tubig at kulay putik. Tapos may lumitaw na ahas, natakot at tumakbo ako para bumalik sa bandang bungad ng beach.


Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rod



Sa iyo, Rod,


Ang ibig sabihin ng maganda ang beach at napakalinaw ng tubig nito ay kasaganaan, kapayapaan at pag-unlad sa buhay. Sasagana, uunlad at yayaman ka na sa darating na mga araw.


Samantala, ang sabi mo ay umikot ka sa paligid ng beach at nakita mo na marumi at kulay putik ang tubig nito. Ito naman ay babala na ingatan mo ang iyong kalusugan dahil may nagbabantang sakit. May posibilidad na magkasakit ka ng malubha.


Ang ahas na lumitaw kaya natakot at tumakbo ka ay may kaugnayan sa iyong sexual desires. Nami-miss mo na ang pakikipagtalik sa dati mong karelasyon, subalit nag-aalinlangan kang makipagbalikan sa kanya. Ito rin ay nagpapahiwatig na may karibal ka sa puso ng iyong minamahal.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page