After umaming bading… XANDER FORD, INILANTAD NA ANG PAPA
- BULGAR

- Jul 23, 2020
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 23, 2020

Nag-number one trending sa Twitter si Xander Ford kahapon (Wednesday). Paano kasi, may pa-reveal si Xander sa kanyang bagong karelasyon. This time, lalaki na ang kanyang partner.
Pagkatapos makipaghiwalay sa girlfriend niya at umamin na isa siyang bisexual, inilantad ni Xander ang lalaking karelasyon daw niya ngayon.
Inilabas niya ito sa pamamagitan ng kanyang vlog sa YouTube. Pero sa umpisa ay naka-maskara pa muna 'yung guy.
Towards the end of the video, tinanggal na rin ang maskara nu'ng guy at na-reveal na nga ang kanyang hitsura.
Kung ang iba ay natuwa o natawa, ang ibang netizens naman ay nainis.
Narito ang ilan sa kanilang mga comments na naka-post sa social media…
"Ka-bad trip ang araw na 'to, puro itong issue na lang nakikita ko."
"Wala kaming paki, nagladlad ka na. Asikasuhin mo 'yung kaso mo."
"Cute ng jowa mo, pre..... Sino 'tong mga 'to?"
"Love wins."
Ganern????





Comments