After ng mga pasabog ni BB sa padir… IÑIGO, NAGTATAGO NA RIN TULAD NI PIOLO
- BULGAR

- Sep 19, 2020
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 19, 2020

Hindi umapir si Iñigo Pascual sa ginanap na presscon para sa international collaboration ng ABS-CBN Music sa foreign record label na Tarsier Records para sa kantang Rise.
Isa kasi si Iñigo sa dalawang Pinoy artists na kasali sa international project na pagsasama-sama ng iba't ibang famous artists sa Asia.
Hindi naman siguro umiwas lang si Iñigo na matanong ng entertainment press and bloggers sa mga pasabog ni BB Gandanghari about his father na si Piolo Pascual.
But in any case, much better na nga siguro na hindi muna sumalang sa interview si Iñigo hangga't mismong si Papa P. ang sumagot sa mga isyung ibinabato sa kanya.
Speaking of ABS-CBN Music, may bagong app pala sila na ginagamit ngayon, ito 'yung Sharea App.
Sa patuloy nating pagharap sa pandemya, kailangan natin ng impormasyon para makapagdesisyon sa mga mahahalagang bagay sa ating buhay sa araw-araw at makakatulong sa atin ang bagong public service app na Sharea, na sasalansan sa mga datos at ilalapit din tayo sa ating komunidad.
Mula sa pinagsamang salitang "share" at "area" ang Sharea app na nakapaghahatid ng mahahalagang impormasyon tulad ng mga anunsiyo ng gobyerno, bakanteng trabaho at mga aktibidad na partikular sa pipiliing lugar o lokasyon ng gagamit nito.
Malaking tulong ito lalo na ngayong community quarantine para manatiling updated sa ganap sa komunidad maski hindi lumalabas ng bahay.
“Digital bayanihan” ang konsepto sa likod ng Sharea kung saan makatutulong ang bawat Pilipino sa isa’t isa na makadiskarte at magdesisyon sa araw-araw sa pamamagitan ng palitan ng impormasyon, lalo na ngayong may pandemya.
Marami na rin palang news personalities ang gumagamit ng Sharea app, huh?
Sa mga gustong i-try ito, libre at puwede nang i-download ang Beta version ng Sharea sa Google Playstore.





Comments