Search
  • BULGAR

After ibenta ang bahay, lugi naman ang negosyo… 2 COMEDY BARS NI ALLAN K., SARADO NA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 01, 2020




Pagkatapos ibenta ni Allan K. ang magara niyang bahay kamakailan, ang dalawa naman niyang comedy bars ay tuluyan na ring isinara dahil wala na siyang pambayad sa renta at sa mga empleyado.


Nag-decide si Allan na mag-declare ng bankruptcy at isara ang negosyo. Wala kasing nakakaalam kung hanggang kelan magiging normal ang lahat dahil sa Coronavirus crisis.


Tinipon ni Allan lahat ng kanyang empleyado kasama ang general manager na si Lito Alejandria. Personal na sinabi nito ang problema ng kanyang negosyo kung saan nalungkot at napaluha ang ibang mga tauhan dahil matagal na rin silang naninilbihan sa butihin nilang boss.


Ayon kay Allan, praktikal lang ang kanyang ginawa. Kahit kasi walang kinikita ang comedy bars nang halos apat na buwan na lumipas ay patuloy silang nagbabayad ng renta.


Isa-isa na ring pinadalhan ng sulat nina Allan at Lito ang mga empleyado para sa official na paghahayag tungkol sa pagsasara ng Klownz na nasa Quezon Avenue at Zirkoh sa Tomas Morato Ave., Kyusi.


Nakasaad sa sulat na June 29 ang epektibo ng pagsasara ng dalawang establishments.

"We regret to inform you that our company, Klownz Comedy Bar Inc., is facing a tremendous economic financial loss brought about by the Corona Virus 19 pandemic in the Philippines.

"And because of this unprecedented uncertainty, our overhead expenses cannot be met, that is the reason that the company resorted to closure effective July 29, 2020.”


Ang offer lang daw na maitutulong ni Allan sa kanyang mga empleyado ay ang kanilang unpaid salary.


Bibigyan din sila ng 13th month pay, pero prorate at cash assistance mula sa kumpanya.

Malungkot si Allan dahil sa paghihiwa-hiwalay nila ng kanyang mga empleyadong matagal ding nanilbihan sa kanya.


Dahil sa pandemyang ito, ang daming taong nawawalan ng trabaho at mga nagsasarang negosyo.


Wish ng lahat ng mga Pilipino ay masugpo at makahanap na ng vaccine para sa COVID-19 nang sa gayun ay mabalik na uli sa normal ang lahat.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.