top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

After 12 yrs…KTV AND RESTO NI KARYLLE SA MAKATI, NAGSARA NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 2, 2020




Ang Center Stage Family KTV and Restaurant na pag-aari ni Karylle Tatlonghari-Yuzon kasama ang mga non-showbiz friends niya, na matatagpuan sa Jupiter Street, Makati City, ay isinara na pagkalipas ng 12 years.


Ito ang isa sa mga puntahan ng tao kapag gustong mag-videoke dahil bukod sa magaganda ang mga kuwarto at sounds ay masasarap ang mga pagkain, lalo na ang pizza.


Dalaga pa si Karylle noong sinimulan niya ang negosyong Center Stage na ang unang branch ay sa Timog Circle at dahil sobrang lakas ay nag-branch out sila kasama ang mga kaibigan niya sa Jupiter (600 seating capacity) at sa SM Mall of Asia na may 1,200 seating capacity.


At muling nagdagdag sa SM Aura, Taguig City na ang pangalan ay Rockstar KTV at isa si Anne Curtis – Heussaff sa mga partners ni Karylle. Inabot naman ng pandemya ang pagbubukas ng latest branch sa Glorietta Mall, Makati.


Kuwento ng taong malapit sa It’s Showtime host ay ang Jupiter Street pa lang ang nagsara, pero ang MOA at SM Aura branches ay hindi pa dahil umaasa sina Karylle at Anne, kasama ang mga kaibigan, na papayagan ng gobyerno itong pabuksan pagkatapos ng pandemya.


“'Yung sa Glorietta, magbubukas pa lang, eh, inabot ng pandemic, so hayun. Pero ‘yung dalawang malaki (Aura at MOA), waiting lang,” kuwento sa amin.


Binanggit namin na umaandar ang upa kahit sarado at paano ‘yun?


“Ewan! Siguro naman, may pondo naman sina K (tawag kay Karylle) doon, napaghandaan na nila ‘yun, saka ganu’n talaga, may pandemic. Ganu’n ang business. ‘Yung sa Jupiter, feeling ko, kumita na sina K du’n kasi ang tagal, 12 years, nabawi na nila ‘yun,” pahayag pa ng aming kausap.


Dagdag pa, “Baka naman may special arrangements with SM, I don’t know o baka naman kasosyo ang SM, ewan.”


Samantala, nagpahayag naman ng kalungkutan si Karylle sa pagsasara ng isa sa mga branches ng Center Stage.


“To all our family and friends who supported us through the years, thank you very much,” sambit ng wifey ni Yael Yuzon, frontman ng Spongecola.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page