top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

AFP at PNP joint forces sa halalan, mga pasaway, ‘wag nang umepal

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2021
1 min read

@Editorial | November 15, 2021



Kapwa nagpahayag ng katiyakan ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa mapayapa at ligtas na Halalan 2022.


Sa inaugural speech ni PNP Chief Police Lt. Gen. Dionardo Carlos, sinabi niyang sisikapin niyang maging tahimik at nasa ayos ang gagawing pagboto ng mga Pilipino.


Ganito rin ang sinabi ng bagong talagang AFP Chief of Staff na si Lt. Gen. Andres Centino.


Anila, patuloy ang laban sa kriminalidad at terorismo at palalakasin ang puwersa para mas maging agresibo sa paglaban sa insurgency at mga private armed groups.


Hindi maitatangging may mga banta talaga tuwing mag-eeleksiyon. May pagkakataon talaga na nababahiran ng dugo ang sana’y sagradong gawain.


Nariyan pa rin ang mga grupo na walang ibang ginawa kundi ang maghasik ng karahasan.


Palagi may kandidato at tagasuporta na nagbubuwis ng buhay, lalo na ‘pag taliwas sa kasamaan ang kanilang dahilan ng pagpasok sa pulitika.


May pagkakataon din na sila-silang mga tiwali ang naglalaban. Gustong makapuwesto para mas lumakas ang kapangyarihan at lumago pa ang kayamanan na hindi naman nila madadala sa kabilang buhay.


Kaya napakalaking bagay ng pangako ng AFP at PNP na magkakaroon ng maayos na halalan.


Sana, sa pagkakataong ito, isang patas at mapayapang pagtatalaga sa mga bagong lider ng bayan ang mangyari.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page