top of page

Acts of Lasciviousness vs Nones at Cruz, ibinasura… SANDRO: ‘DI PA TAPOS ANG LABAN!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 14
  • 3 min read

ni Lucille Galon @Special | Feb. 14, 2025



Photo: Sandro Muhlach - Instagram


Naglabas na ng pahayag ang aktor na si Sandro Muhlach, anak ni Niño Muhlach, sa kanyang Instagram (IG) Story matapos ibasura ng Pasay Metropolitan Trial Court ang isang kaso laban kina Jojo Nones at Richard Cruz kaugnay ng umano’y sexual assault na naranasan sa kanila ng Kapuso actor.  


Sa ulat ng State of the Nation nitong Miyerkules, sinabi ng Pasay Court Branch 46 na kanilang kinatigan ang mosyon nina Nones at Cruz, kaya ibinasura ang dalawang bilang ng acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanila.  


Sey ni Sandro, “The case wasn't dismissed, just one of the charges. The court removed the acts of lasciviousness charge because it's already part of the sexual assault case, which is still ongoing. “Meaning, mas matindi ang magiging kaso. But we will still file motion for reconsideration for acts of lasciviousness. Hindi sila makakalusot dito at ilalaban ko 'to hanggang huli! I will make sure na hindi na kayo makakaulit sa iba! #ENDRAPE.”


Samantala, pinuna rin ni Sandro ang mga pahayagan na nagpapakalat ng fake news o may misleading headline tungkol sa balita na pagbabasura ng kasong isinampa niya.

Diin niya, “I'm disappointed @inquirerdotnet misleading title ng article n'yo. Pinapasaya n'yo 'yung perpetrators at lawyer nila. Hindi pa tapos. See y'all in court!”

Mukhang mahaba pa nga ang tatakbuhin ng kaso. Makakamit kaya ni Sandro ang hustisyang hinihingi niya? Abangan!



OPISYAL nang inanunsiyo ng Kings of P-Pop na SB19 ang kanilang Simula At Wakas World Tour ngayong 2025.


Sa isang social media post noong Miyerkules, Pebrero 12, ibinahagi ng grupo ang listahan ng mga lungsod na kabilang sa kanilang highly anticipated tour na tatakbo mula Mayo hanggang Oktubre.  


Magsisimula ang tour sa Bulacan ngayong Mayo, bago tumungo sa iba’t ibang bahagi ng Asia, the United States and the Middle East. 


Wala pang karagdagang detalye ang SB19 tungkol sa tour, kaya abangan ang susunod nilang anunsiyo.


Matatandaang nitong nakaraang buwan, ipinasilip ng grupo ang kanilang cinematic teaser para sa bagong extended play (EP) na Simula at Wakas.


Samantala, Pebrero 28 naman nakatakdang i-release ang comeback single ng grupo, habang Abril 25 ang opisyal na paglabas ng kanilang Simula at Wakas EP.


Sa excitement ng mga fans, nag-trending sa X (dating Twitter) ang #SaWWorldTour bilang suporta sa upcoming tour ng SB19.



MAY sagot si Carlos Agassi sa mga netizens na may komento sa kanyang edad ngayong 45 years old na siya.


Sa isang post, tinawanan na lang ng rapper-actor ang mga komento ng ilang netizens tungkol sa kanyang ‘pagpapabata noon at hitsura ngayon.’ 


Ayon sa Happy Birthday at Cute Ako singer, hindi talaga mapipigilan ang paglipas ng panahon.  


Komento ng isang netizen sa kanya, "Grabe, ang tanda na ni Carlos Agassi! Ano'ng nangyari sa kanya?"


Ani Carlos, “Guys, walang nakakatalo kay Father Time. Lahat tayo, tatanda. Ang mahalaga, meron tayong pinagkatandaan—natututo tayo, nagma-mature tayo, nagkakaroon tayo ng

knowledge at wisdom.”


Well, noon ay miyembro ng The Hunks si Carlos Agassi kasama sina Jericho Rosales, Piolo Pascual Diether Ocampo at Bernard Palanca. Ngayon, tuloy pa rin ang pagpapaganda niya ng katawan sa pamamagitan ng pagdyi-gym at healthy diet. 


Kilalang-kilala rin ngayon ang aktor sa socmed (social media) dahil sa pagra-rap o bilang recording artists na para sa marami ay nakakatawa ngunit para sa iba’y nakakainis. 


Marami rin ang natuwa nang sumikat ang aktor sa TikTok (TT) dahil sa mga health advice niya at gym tips para pumayat o lumaki ang katawan. May seryosong side rin daw pala si Carlos Agassi.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page