Search
  • BULGAR

ACT-CIS Rep. Tulfo, isinusulong ang extended enrollment sa DepEd

ni Thea Janica Teh | June 28, 2020




Sinabi ni ACT-CIS partylist Representative Jocelyn Tulfo sa Department of Education na i-extend ang online, remote at dropbox enrollment hanggang July 15.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Tulfo na milyun-milyong estudyante ang maaaring tumigil sa pag-aaral dahil sa ikli ng inilaan na panahon para makapag-enroll.

Noong June 27, halos 15 milyong estudyante ang nakapag-enroll na mula sa public school kabilang ang nasa Alternative Learning System.

Ayon kay Tulfo, sa K to 12 lamang ito. Hindi pa kasama ang mga tumigil sa pag-aaral dahil sa kawalan ng trabaho at pagbagsak ng mga negosyo.

Sinabi rin ni Tulfo na maaaring magkaroon ng krisis sa edukasyon na makaaapekto sa atin ng pangmatagalan kung maraming estudyante ang hindi makakapag-aral.

Dahil sa COVID-19 pandemic, isinulong ng DepEd na ituloy ang klase sa pamamagitan ng distance learning kung saan hindi na kailangang pumunta ng mga estudyante sa eskuwelahan.

Inihahanda na rin ng DepEd ang pagsasaayos ng edukasyon sa pamamagitan ng self-learning modules, broadcast media at internet.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.