top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Abusadong lending companies, bantay-sarado

BULGAR
Mar 22, 2022
1 min read

@Editorial | March 22, 2022


"Ang taong gipit, sa lending kumakapit."


Sa gitna ng pandemya na sinundaan ng kaliwa't kanang taas-presyo at singil, mas dumami ang mga nangungutang. Pikit-matang tinatanggap ang tibo kahit halos mas mataas na sa halagang inutang para lang may maipanggastos, puhunan o pambayad-utang lang din.


Ang problema, dumami rin ang mga abusadong nagpapautang. Bukod sa mataas na tubo, kakaiba rin maningil, talagang pangwasak ng pagkatao kapag na-delay ka ng hulog.


May mga sumbong na ilang lending companies ang talagang nananakot, nang-iinsulto at namamahiya ng borrower.


Kaya bumubuo na ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng opisina na siyang tututok sa pag-monitor laban sa mga ilegal at abusadong lender. Paiigtingin umano ang kanilang measures laban sa mga ito.


Samantala, kabilang din umano sa aasahan ng publiko ay ang pagkakaroon ng Financing and Lending Companies Division.


Sana'y tuluyan nang maipasara ang mga sugapang kumpanya na imbes na tumulong sa pagbangon ng kapwa ay sila pa ang lalong naglulubog.


Umaasa naman tayo na mas lalawak ang proteksyon at suporta ng gobyerno sa mga nagsisikap nating kababayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page