top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Abot-kayang pagkain para sa pamilyang Pinoy

BULGAR
Oct 7, 2022
1 min read

@Editorial | October 7, 2022


Kaugnay ng ulat na pagbilis ng taas-presyo sa mga bilihin at serbisyo, pinangangambahan na posibleng tumawid pa sa susunod na taon ang ganitong sitwasyon.


Bagama't binigyang-diin naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang patuloy na pagbibigay ng ayuda at sapat at abot-kayang suplay ng pagkain sa domestic market.


Sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga pamilyang Pilipino sa gitna ng inflation pressures o mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Ang pagbilis ng inflation ay naobserbahan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa dahil na rin sa pagbulusok ng demand sa nakalipas na taon dahil sa COVID-19 pandemic, external pressures sa presyo ng mga bilihin, logistics challenges, impacts ng weather disturbances at mahinang exchange rates sa gitna ng paglakas ng halaga ng US dollar.


Kumbaga, lahat ay apektado at kailangang dumiskarte para makasabay.


Sa ngayon, masasabing malaking papel ang ginagampanan ng sektor ng agrikultura para mapanatiling matatag at sapat ang pagkain ng bawat pamilyang Pilipino at abot-kaya ang mga pangunahing bilihin.


Kapag maayos ang ating agrikultura, kahit paano ay panatag ang lahat, mababawasan ang pagkagutom.


Kaya marapat lang na tutukan ang agri, alalayan ang nga magsasaka at lahat ng kabahagi nito.


Kung may ayudang mailalaan, ibigay na. Tulungan din natin sila ginaan ang kanilang mga dalahin dahil sa panahon ng krisis sa pagkain, sila ang ating mga bayani.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page