9 NPA, sumuko
@Balitang Probinsiya | May 30, 2023
NEGROS ORIENTAL—Siyam na miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Ayungon sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang siyam na sumukong komunista na nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alaman na isinuko rin ng mga komunistang NPA ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Ayon sa mga sumukong miyembro ng NPA, nahihirapan na umano silang mamuhay sa bundok kaya sumuko sila sa pamahalaan.
Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong komunista.





Comments