Search
  • BULGAR

8 laro ang sasabakan sa NBA games; Lakers, masusubok uli

ni ATD - @Sports | June 29, 2020




Tiyak na masusubukan ang tikas ng Los Angeles Lakers sa unang tatlong laro nila sa pagbabalik ng aksyon sa 2019-20 NBA season.


Ikakasa ang restart ng NBA sa July 30, 22 teams lang ang makakapaglaro habang bakasyon na ang walong nalaglag.


Walong laro lang ang bawat koponan para tapusin ang regular season at pagkatapos ay matitira ang top eight koponan sa Eastern Conference at Western Conference para sa playoffs.


Mananatili ang nakasanayan na format sa playoffs, best-of-seven series.


Sabak agad si basketball superstar LeBron James at Lakers sa July 30, makakalaban nila ang mahigpit nilang karibal sa Western Conference division na Los Angeles Clippers.


Kasalukuyang Nos. 1 at 2 ang Lakers at Clippers sa West, kapit nila ang tig- 49-14 at 44-20 karta ayon sa pagkakasunod.


Mapapalaban din ang Lakers sa susunod nilang katapat na defending champion Toronto Raptors sa Agosto 1 habang kalaban nila ang Utah Jazz naman sa Agosto 3.


Makakasama ni James ang star player din na si Anthony Davis kasama sina Danny Green at Dwight Howard.


Ang iba pang naka- iskedyul sa pagbubukas ng NBA ay ang Jazz kontra New Orleans Pelicans.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.