8-anyos, inabuso ng akyat-bahay

ni Mervin Reyes @News | August 8, 2026

Photo: File
Arestado ang 25-anyos na lalaki matapos manloob sa isang bahay at halayin ang isang 8-anyos na batang babae sa
Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, noong gabi ng Agosto 5.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, pumasok ang suspek sa bahay bandang alas-10 ng gabi at tinangay ang isang cellphone.
Bago tumakas, nilapitan umano nito ang bata at hinipo ang maseselang bahagi ng katawan nito.
Nakuha sa CCTV ng bahay ang buong insidente, ngunit hindi ito ilalabas dahil sa sensitibong nilalaman nito.
Agad na nagsumbong ang bata sa kanyang mga magulang, dahilan upang maaresto ng mga residente at pulis ang suspek sa isang eskinita malapit sa bahay ng biktima.
Nabawi ang ninakaw na cellphone habang narekober din sa kanya ang isang sachet ng hinihinalang shabu.





Comments