top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

731 universities at colleges nagsimula na ng online classes...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2020
  • 2 min read

Birth control use, balak isama sa curriculum — CHED

ni Lolet Abania | August 27, 2020




Inanunsiyo ni Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera na tinatayang mayroong 731 higher education institutions ang nagbukas ngayong August sa pamamagitan ng online at blended learning habang nasa panahon ng pandemya ng covid-19 ang bansa.


Sa Palace briefing, inihayag ni De Vera, na 20 private universities lamang ang nagbukas ng classes noong June hanggang July.


“Ngayong Agosto, ito ang pinakamaraming bilang ng universities na magbubukas. Meron ding magbubukas ng Setyembre hanggang Oktubre,” sabi ni De Vera.


“So, depende sa kakayanan ng mga pamantasan na magbukas,” sabi pa niya.


Gayundin, sa September at October, ayon kay De Vera 186 pang universities at colleges ang magsisimula ng kanilang klase.


Tinatayang 2,400 na higher education institutions ang kasalukuyang nag-o-operate sa bansa, ayon sa CHED.


Samantala, iniurong ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng klase na dating August 24 at naging October 5, para sa public schools upang mabigyan pa ng panahon na makapaghanda sa blended learning na gagawin.


"May decision na ilipat 'yung opening sa mga K to 12. Hindi ito applicable sa higher education," sabi ni De Vera.


Ipinunto ni De Vera, na may sariling iskedyul ng pagbubukas ng klase ang bawat paaralan, dahil mayroon silang kani-kanyang programa sa iba't ibang academic terms tulad ng semesters, trimesters, at quarters.


Ayon pa kay De Vera, matagal nang nakapaghanda ang mga naturang academic institutions at naitakda na rin ang petsa ng pagbubukas ng kanilang klase sa kabila ng covid-19 pandemic.


Samantala, bukas ang CHED na isama ang birth control sa curriculum para sa adolescent students na ipinanukala ng Senate.


Pag-aaralan ng CHED na posibleng integrated sa subjects ng mga lesson tungkol sa birth control use sakaling maipasa ang panukala.


“Well, we will have to look at how the curriculum is currently structured kasi hindi naman humingi ng bagong subject,” sabi ni De Vera.


"The concern of the commission is on how it can be integrated and in what subjects it can be integrated. That can be studied and implemented if that is approved by Congress,” dagdag niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page